Category Archives: Buhay ng Computer Shop Owner

The Beginnings of My Computer Shop Business

When I decided to re-open the computer shop here at home (after my former business partner left), I went through many problems, mostly financial. It’s no joke, opening an internet cafe is not as easy as it may sound. If you’re not techie, or at least friends with people who are, you’d end up with more financial problems in the long run because, first, you’d probably buy sub-par computer parts because you didn’t know better, and, secondly, you’d be spending a lot when you hire technicians to do your computers’ repairs. Sure, there are Tablets and PC coupons codes online that you can (and you MUST!) take advantage of, and even the store where I bought my computers from gave me a discount for being a member of Tipid PC, but it’s still quite important to have a little know-how before you venture into this business.

Inside my computer shop

Having been tinkering with computers for over a decade, I am confident about my knowledge with computers, which is why my mom and a family friend gladly helped me with the capital I needed to start this business.  Though I can’t say I’m THAT technically-inclined when it comes to major hardware repairs, I know I don’t have to rely on any technicians to fix most of the computer problems I encounter.

I bought my computers from PC Hub in Gilmore. Before I bought them, I did my research, asked around for the computer specifications that will fit my budget. I’m glad there are many who are more than willing to help. I may not have gotten the best deals or used any Net Voucher Codes for my computer purchases, but I know I made an informed decision when I went in and bought them.

After months of paying off my loan for the computers I use at my internet shop, I am finally out of debt! Yes, my dear readers, I now own all of my computers and I couldn’t be happier. :) I still have a long way to go before I experience any ROIs (return of investment), but I don’t want to focus much on that because I am only depending on my shop for paying off bills at home and helping my assistant earn a living. Most of my money still come from my full-time online work as a Social Media Manager, freelance writing, blogging and design projects, so I’m doing okay. I’m still a little wary about completely revamping my shop and services I offer because of the mushrooming of Pisonet computer shops here (who mostly don’t have a business license, by the way), I know that when it comes to printing and decent internet connection, people come to my computer shop.

If you’re a fellow LAN shop owner, share your experience on how you started your own business. I’d love to read YOUR stories.

Mag-Extend Ka Pa Ba?!?!

Para sa benefit ng mga hindi pa nakakapag-rent sa computer shop or walang computer shop business, I’ll give you a brief background kung ano ‘tong extend na ‘to bago ko ikwento ang nakakairitang customer namin dito sa shop.

Pag nag-rent ka sa computer shop, meron kang 2 options – fixed time or open time. Aside from the obvious differences, eto pa yung iba:

Ang fixed time eh ‘yung magsasabi ka sa bantay or may-ari ng computer shop na nasa counter kung ilang oras or minuto ka mag-rent ng computer as soon as you come in. Pwedeng kalahating oras lang, isang oras or pwede pa nga na 3 hours straight.

  • Ang fixed time ay preferred nung mga nagtitipid. Kunwari, kinse pesos lang ang naitabi, or nahingi (read: naumit) nila sa magulang nila, isang oras lang ang pwede nilang laruin dito sa shop.

Ang open time naman ay yung walang naka-set na oras yung rental mo. Pwede kang super saglit lang or super tagal.

  • Kadalasang gumagamit nito eh yung mga customers na me kukunin lang sa email para ipaprint, or me saglit lang na gagawin.
  • Meron ding ibang customers na ginagamit ‘to kasi alam nilang magtatagal sila. Kesa nga naman pa-extend nang pa-extend, isang diretso na lang. (Sana, marami ang gaya nila. Hehehe)
  • Problema dito, minsan, me butal-butal pa ang charge. Pero ngayon, ginagawa ko, pag lumagpas na ng 40 minutes, Php 15 na agad babayaran nila.

So, anong problema ko sa mga nag-eextend? Di ba, dapat nga matuwa akong nag-eextend sila ng oras nila? Well, natutuwa naman ako kaso nakakairita lang kasi alam mong yung iba, tamad lang or binabalewala ang sinasabi mo. Read on.

 

NOTE: Meron pong WARNING ang timer namin pag 5 minutes left na lang. Eto ay para makapag-extend sila BEFORE matapos ang oras nila.

 

Time Na Saka Mag-Extend

Eto yung pinakanakakainis sa lahat. Kung kelan naka-lock or nag-time na (ubos na ang oras) saka magsasabi na mag-eextend. Tapos, tatarantahin ka pa kasi nasisira laro nila. Kung di ka ba naman loko, parang kasalanan ko na di ka nag-extend, di ba?

Time's up warning - iCafeBlog.com

Ano’ng ginagawa ko pag ganito? Binabagalan ko ang pag-extend ng oras nila para lalo silang mabwisit at di na gawin sa susunod. Effective sa ibang customers pero merong ISA na paulit-ulit. Kaya ang ginagawa ko? Tinatagalan ko lalo. Buset ka!

Meron ding ibang customer na kung kelan tapos na yung time nya, saka pa lang mag-iisip kung mag-extend pa sya or hindi. ‘Yung tipong magbibilang ng pera, manghihingi or mangungutang sa mga kasama. Tapos pag nakitang me pang-extend pa, mamadaliin ka na namang i-extend pa oras nya.

 

 

May Amnesia Ka?!

Eto ang kadalasang sakit sa ulo ng mga customers namin. ‘Yung iba, magagalit pa sayo or parang naiinis pa na hindi mo daw sila na-extend. Kesyo nagsabi naman daw sila. Hay nakoh, talagang tinatapat ko. Sabi ko, wala kang sinasabi. Sa susunod kako, maghintay ka na mag-confirm ako na na-extend ka. Bwiset!

5-minute warning sa computer shop namin - iCafeBlog.com

Tapos, meron pang iba, di daw nila napansin yung warning. Ang laki kaya ng warning noh! At 10 seconds bago sya mawala sa screen mo kaya imposibleng di mo makita. Pwede ka namang magsabi agad after mo makita yun. Nakohhh!

 

Insert coin to continue - iCafeBlog.com

 

Arcade ba ‘to?! Payphone?!

Isa pa itong kinakainisan ko. Maraming variety ‘tong situation na ‘to:

  • Alam naman nilang magtatagal sila, hindi pa diretsuhin ang oras. Mag-umpisa ng isang oras tapos extend ng 5 piso na katumbas ay 15 minuto. Tapos, after nun, mag-extend pa ulit ng mga limang beses na 5 pesos ulit. Isipin mo naman, every 15 minutes, ineextend ko ang time nya. Ano ba ‘to? Arcade? Bwiset! Pinapagod pa ko!
  • Meron kaming isang customer who honestly thought nakakatipid sya sa technique na ‘to – 30 minutes muna. Tapos, mag-extend sya ng 5 pesos ng mga dalawang beses. Kung di ba naman bopols, eh di imbes na kinse lang isang oras, nagiging Php 20. Di ko talaga inaadjust. Bahala ka jan.
  • Pinakanakakabwisit eh yung gagawing arcade nga tapos sasabihan ka pa na gawin na isang oras. Kasi, 30 minutes is 10 pesos. 5 pesos is 15 minutes na extend. So, kadalasan, pag ganito, ang 1 hour 45 minutes eh 30 pesos. Kaya sinasabi nilang gawin na isang oras yung extend para Php 30 ang babayaran for 2 hours.

Pinapagalitan ko talaga mga ganitong customers. Nakakapagod na maya’t maya, nag-adjust. Kaya talaga sinasabihan ko sila na diretsuhin na nila ang extend sa susunod kundi, hindi ko na i-adjust ng maayos.

 

 

Kuripot Ka!

Ang minimum namin dito sa shop eh sampung piso at ang maximum nun eh 30 minutes. Nakakairita yung iba na ‘kala nila magugulangan ako. Manggagamit ng time ng iba tapos sila ang mag-extend ng 5 pesos. Pag walang waiting, pinapayagan ko na lang para di ako mabwisit. Pero, pag me waiting, di ko talaga pinapayagan at sinasabi ko talagang hindi pwede yun dahil 10 pesos BAWAT TAO ang minimum. Nakoh, gugulangan mo pa ko!

 

Lakasan mo boses mo!!! - iCafeBlog.com

Bingi Ako, Lakasan Mo!

Di ko alam kung mahiyain lang ba o sadyang mahina lang ang boses pero me mga customers kami na pag nag-extend eh ‘kala mo katabi lang nya ako. Haller?! Lakasan mo boses mo para marinig kong mag-extend ka noh! Maliit na nga yung shop, naiilang ka pa magsalita dyan ng malakas!

 

 

Mañana Habit

“Pag 5 minutes na lang po, extend nyo ko ng isa pang oras.”

WOW, di ba?! Di ko ma-gets ang logic nyan. Mag-eextend ka rin naman pala, bakit hindi pa ngayon, di ba?! And that’s exactly what I say to them. Natatawa pa sila sa sinabi nila. Hayyyy… kalokah!! :D

 


 

Don’t get me wrong. Nagpapasalamat naman ako na nag-extend sila. Kaso, di mo rin namang maiiwasang mabwisit lalo na’t meron kang ibang iniintinding customers. Nakakalokah!

Sampung Piso Lang, Isang Libo Ibabayad Mo?!

Pasensya na kung ilang buwan bago ako nakapag-post ulit dito sa blog na ‘to. Hindi dahil sa wala nang nakakalokang nangyayari sa computer shop namin. Naging sobrang abala lang ako ng mga nakaraang linggo. Basta, kwento ko na lang yan next time. Unahin ko muna ‘tong nakakainit ng dugong kwentong ito na nangyari ilang araw lang ang nakaraan.

Isa sa mga kinakainisan ko sa negosyong ito eh yung mga customers na alam mong nagpapabarya lang kaya andito. O kaya, yung di alam yung respeto na lang na "Barya lang po sa Umaga". Hindi kami bangko na pwede nyong puntahan pag kelangan nyo magpabarya para ipabaon sa anak nyo. Feeling ata nila eh pwede nila kaming puntahan lagi para palitan ng malalaking pera nila.

Hundred and Thousand Peso Bills - iCafeBlog.com

As much as gusto kong maging buo ang mga pera namin para di pahirapan magbayad ng mga bills namin, masakit sa ulo pag napapadalas na tipong limang pisong candy lang ang binili (take note, di kami sari-sari store), ibibigay samin eh Php 500 o kaya’y Php 1,000 na buo. Bwiset!

Gaya nung isang araw, hapon, merong pumunta ditong batang babae. Dati pa mainit ulo ko dun sa batang yun, mga nasa 14 or 15 ang edad nya siguro. Kasi naman, tama ba namang magtanong kung meron kaming PASA LOAD dati. Yung sa Smart, pwede mong padalhan ng load ang kaibigan mo tapos ma-charge ka ng piso. Binawasan nya pa load ko pag nagkataon. Haller?! Kesyo 5 piso lang daw kasi kelangan nya. Ano ba, magload ka na lang ng sampung piso, konti na lang diperensya, babawasan mo pa load ko. Bwiset.

Limang Pisong Coins - iCafeBlog.com

Ayun na nga, unang punta nya, nagtanong kung may barya daw ako sa buong isang libo. Sabi ko wala kasi kakabayad ko lang ng bills. So, akala ko naintindihan na nya. Aba, bumalik ang bata after a few hours. Kunwari, magpapaload. PInasulat ko na yung number. Sabay inabot sakin yung Php 1,000 bill nya na pinapabaryahan nya nung una. Eto ang nakakainis. Alam mo magkano ipapaload nya?!? SAMPUNG PISONG Sun Text and Call Combo!

Nakoh, nag-init ulo ko. Tinanong ko sya kung okay lang sa kanya ang puro barya. Pumayag. So, ayun, nagstart na ko magbilang. Gusto ko talaga gantihan at bigyan sya ng mga mamiso at limang pisong coins. Kaso, naisip ko, leche, inaasar ako nito. Binawi ko, sabi ko di aabot ang barya. Sa kanya na lang ang sampung pisong load nya.

‘Kala mo naintindihan na. Hindi pa rin!!!!!!! Bumalik kinabukasan. Nagpaload ng Php 15 na Sun load. At ang pera nya, yun pa rin. Yung isang libong piso na bill. Nabwisit na ko talaga. Sabi ko, "Sabi na nga sayong wala kaming barya dyan eh. Kakabayad nga lang ng bills!". Di ko na talaga napigilan. Ang kulit eh. Kasing kulit nya nung ilang beses bumalik dito para magtanong kung me Pasa Load kami. Hayyyy!! Ayun, naintindihan na ata finally. Bumalik na me barya na Php 15. Eh di natuto ka rin. Nakakairita eh.

Sabihin nyo salbahe ako pero nakakairita talaga. Okay lang sana kung Php 100 ang ipapaload nya eh. Sampung piso at kinse pesos tapos ganun kalaki pera nya?! Nakakatakot pa kasi pag ganun, baka mamya, peke yung pera. Wala pa naman akong pang-check kung fake or hindi yung bills. Bibili pa lang ako.

Meron din kaming mga customers na ganyan na nag-rent talaga. Meron isang beses, 30 minutes lang, ang pera, Php 1,000 din. Halata mo ring nagpapabarya lang eh. Kakabukas pa lang namin nun ha. So, ginawa ko na lang, pinalitan ko ng sangkatutak na barya. Binigyan ko na lang sya ng plastic para dun. Bwiset sya eh. Pangalawang beses na nya yun. Nung una, me respeto pa na nagtanong kung me isusukli kami dun. Sabi ko kasi nun, wala. Ayun, nung sumunod, di na nagtanong. Leche. Pero natuto naman yun. After ko bigyan ng puro limang piso at mamisong barya, mga tigbebente, ayun, di na naulit. Lagi na sya me exact amount. Hahahaha. Kasi kasi.

Naiintindihan ko naman yung ibang nagpapabarya lang. Gawain ko rin naman yun kadalasan eh. Pero, sinisigurado ko namang medyo malaki yung nabili ko para di nakakahiyang pabaryahan yung pera ko noh. Saka as much as possible, nagpapabarya ako ng malalaking bills sa mga malalaking stores, hindi sa sari-sari store. Yung iba kasi, di nag-iisip. Hayyy…

Maglalagay na ko dito ng sign talaga.

 

Barya lang po sa Umaga - kundi susuklian kita ng mamiso - iCafeBlog.com

Related Posts with Thumbnails