Mag-Extend Ka Pa Ba?!?!




Para sa benefit ng mga hindi pa nakakapag-rent sa computer shop or walang computer shop business, I’ll give you a brief background kung ano ‘tong extend na ‘to bago ko ikwento ang nakakairitang customer namin dito sa shop.

Pag nag-rent ka sa computer shop, meron kang 2 options – fixed time or open time. Aside from the obvious differences, eto pa yung iba:

Ang fixed time eh ‘yung magsasabi ka sa bantay or may-ari ng computer shop na nasa counter kung ilang oras or minuto ka mag-rent ng computer as soon as you come in. Pwedeng kalahating oras lang, isang oras or pwede pa nga na 3 hours straight.

  • Ang fixed time ay preferred nung mga nagtitipid. Kunwari, kinse pesos lang ang naitabi, or nahingi (read: naumit) nila sa magulang nila, isang oras lang ang pwede nilang laruin dito sa shop.

Ang open time naman ay yung walang naka-set na oras yung rental mo. Pwede kang super saglit lang or super tagal.

  • Kadalasang gumagamit nito eh yung mga customers na me kukunin lang sa email para ipaprint, or me saglit lang na gagawin.
  • Meron ding ibang customers na ginagamit ‘to kasi alam nilang magtatagal sila. Kesa nga naman pa-extend nang pa-extend, isang diretso na lang. (Sana, marami ang gaya nila. Hehehe)
  • Problema dito, minsan, me butal-butal pa ang charge. Pero ngayon, ginagawa ko, pag lumagpas na ng 40 minutes, Php 15 na agad babayaran nila.

So, anong problema ko sa mga nag-eextend? Di ba, dapat nga matuwa akong nag-eextend sila ng oras nila? Well, natutuwa naman ako kaso nakakairita lang kasi alam mong yung iba, tamad lang or binabalewala ang sinasabi mo. Read on.

 

NOTE: Meron pong WARNING ang timer namin pag 5 minutes left na lang. Eto ay para makapag-extend sila BEFORE matapos ang oras nila.

 

Time Na Saka Mag-Extend

Eto yung pinakanakakainis sa lahat. Kung kelan naka-lock or nag-time na (ubos na ang oras) saka magsasabi na mag-eextend. Tapos, tatarantahin ka pa kasi nasisira laro nila. Kung di ka ba naman loko, parang kasalanan ko na di ka nag-extend, di ba?

Time's up warning - iCafeBlog.com

Ano’ng ginagawa ko pag ganito? Binabagalan ko ang pag-extend ng oras nila para lalo silang mabwisit at di na gawin sa susunod. Effective sa ibang customers pero merong ISA na paulit-ulit. Kaya ang ginagawa ko? Tinatagalan ko lalo. Buset ka!

Meron ding ibang customer na kung kelan tapos na yung time nya, saka pa lang mag-iisip kung mag-extend pa sya or hindi. ‘Yung tipong magbibilang ng pera, manghihingi or mangungutang sa mga kasama. Tapos pag nakitang me pang-extend pa, mamadaliin ka na namang i-extend pa oras nya.

 

 

May Amnesia Ka?!

Eto ang kadalasang sakit sa ulo ng mga customers namin. ‘Yung iba, magagalit pa sayo or parang naiinis pa na hindi mo daw sila na-extend. Kesyo nagsabi naman daw sila. Hay nakoh, talagang tinatapat ko. Sabi ko, wala kang sinasabi. Sa susunod kako, maghintay ka na mag-confirm ako na na-extend ka. Bwiset!

5-minute warning sa computer shop namin - iCafeBlog.com

Tapos, meron pang iba, di daw nila napansin yung warning. Ang laki kaya ng warning noh! At 10 seconds bago sya mawala sa screen mo kaya imposibleng di mo makita. Pwede ka namang magsabi agad after mo makita yun. Nakohhh!

 

Insert coin to continue - iCafeBlog.com

 

Arcade ba ‘to?! Payphone?!

Isa pa itong kinakainisan ko. Maraming variety ‘tong situation na ‘to:

  • Alam naman nilang magtatagal sila, hindi pa diretsuhin ang oras. Mag-umpisa ng isang oras tapos extend ng 5 piso na katumbas ay 15 minuto. Tapos, after nun, mag-extend pa ulit ng mga limang beses na 5 pesos ulit. Isipin mo naman, every 15 minutes, ineextend ko ang time nya. Ano ba ‘to? Arcade? Bwiset! Pinapagod pa ko!
  • Meron kaming isang customer who honestly thought nakakatipid sya sa technique na ‘to – 30 minutes muna. Tapos, mag-extend sya ng 5 pesos ng mga dalawang beses. Kung di ba naman bopols, eh di imbes na kinse lang isang oras, nagiging Php 20. Di ko talaga inaadjust. Bahala ka jan.
  • Pinakanakakabwisit eh yung gagawing arcade nga tapos sasabihan ka pa na gawin na isang oras. Kasi, 30 minutes is 10 pesos. 5 pesos is 15 minutes na extend. So, kadalasan, pag ganito, ang 1 hour 45 minutes eh 30 pesos. Kaya sinasabi nilang gawin na isang oras yung extend para Php 30 ang babayaran for 2 hours.

Pinapagalitan ko talaga mga ganitong customers. Nakakapagod na maya’t maya, nag-adjust. Kaya talaga sinasabihan ko sila na diretsuhin na nila ang extend sa susunod kundi, hindi ko na i-adjust ng maayos.

 

 

Kuripot Ka!

Ang minimum namin dito sa shop eh sampung piso at ang maximum nun eh 30 minutes. Nakakairita yung iba na ‘kala nila magugulangan ako. Manggagamit ng time ng iba tapos sila ang mag-extend ng 5 pesos. Pag walang waiting, pinapayagan ko na lang para di ako mabwisit. Pero, pag me waiting, di ko talaga pinapayagan at sinasabi ko talagang hindi pwede yun dahil 10 pesos BAWAT TAO ang minimum. Nakoh, gugulangan mo pa ko!

 

Lakasan mo boses mo!!! - iCafeBlog.com

Bingi Ako, Lakasan Mo!

Di ko alam kung mahiyain lang ba o sadyang mahina lang ang boses pero me mga customers kami na pag nag-extend eh ‘kala mo katabi lang nya ako. Haller?! Lakasan mo boses mo para marinig kong mag-extend ka noh! Maliit na nga yung shop, naiilang ka pa magsalita dyan ng malakas!

 

 

Mañana Habit

“Pag 5 minutes na lang po, extend nyo ko ng isa pang oras.”

WOW, di ba?! Di ko ma-gets ang logic nyan. Mag-eextend ka rin naman pala, bakit hindi pa ngayon, di ba?! And that’s exactly what I say to them. Natatawa pa sila sa sinabi nila. Hayyyy… kalokah!! :D

 


 

Don’t get me wrong. Nagpapasalamat naman ako na nag-extend sila. Kaso, di mo rin namang maiiwasang mabwisit lalo na’t meron kang ibang iniintinding customers. Nakakalokah!

  • YeahBoy.NET

    weeeeh! mukhang enjoy tumambay diyan sa internet shop mo ^_^ mukhang masaya! kung magkapit bahay lang tayo, araw araw ako naka tambay diyan ^_^

    • http://www.justanotherpixel.net blankPixels

      Hahahahah! Tambay lang ha! Business is business. Nyahahahahha. :P

  • Rmagamebox

    mgkano po kinikita ng cafe nio per day..,, average,, minimum,, maximum,, at expenses??? malakas po b income o malakas sa kuryente???

    • http://www.certifiedfoodies.com/ blankPixels

      Sa kuryente, oo, nasa 4-6k. Pinakamalinis kong kita (less the bills), nasa 5-8k na lang ngayon. Dati, mas malakas.

  • http://www.bloggingaccess.com Felix Albutra

    I also experienced that things. I am also working as an Internet Cafe Attendant, Computer Technician and Blogger.

    Nakaka-irita talaga yung mag-iiextend yung alam naman nilang di kasya ang limang pesong renta. Anyway, we can't help it kasi customer is always right di ba?

    Intendihin na lang natin kesa walang magre-rent sa PC natin.

    • http://www.certifiedfoodies.com/ blankPixels

      Nahhh… customers are not always right. Merong ibang abuso. Mas okay na yung sabihan mo para di umulit. So far, wala naman akong nawawalang customer eh. They still come back kasi alam nilang less ang pasaway dito kesa sa mga kalaban ko.

  • Prototype2169

    hahaha … madami din akong ganyang expeiences dito sa shop namin … may mga customers na sadyang BURAOT eh! xD

  • Lizzy

    Hi, Newbie ako sa computer shop business and i only have 6 computers including my server could you please advise how much it will cost for all govt fees and certifications?thanks in advance!

    • http://www.certifiedfoodies.com/ blankPixels

      It depends on where your shop is located. I moved from Cebu to Malabon and the costs are way higher.

  • M Pancho

    hahaha pareho tau ng experince katulad na katulad talaga yan d2 sa shop namin :D

  • ChaD

    Kakatawa nmn yang experience mo hehe matanong ko lng po ano po bang gamit nyong cafe timer? or my alam po ba keo magandang cafe timer thnx po

    • http://www.certifiedfoodies.com/ blankPixels

      Cafe Suite gamit namin. Sya pinaka-okay sa lahat ng natry ko.

  • http://www.diaryofane.com/ Ane

    LOLs! Nakakatawa talaga ang mga tao, hindi mo alam kung sadyang bobo lang o nangaasar lang.. :D

  • Fishline

    hahaha…ganda ng BLOG nyo po! astig! WASAK na wasak! hehehe…super nakaka relate ako…may shop din ako and damang dama ko habang binabasa ko blogs nyo hahahaha…more power po! God bless

    • http://www.justanotherpixel.net blankPixels

      Hahahaha natawa naman ako… wasak na wasak talaga! :) )

    • Johnson bernardez

      may computer shop ka?pd magtanong paano ba iderekta lahat ng pc sa isang pc?un bang pag may gagamit kaw ung magbubukas gamit  ung isang pc lang?example magrent ako ng pc sau tpos sasabhin ko kung ilang oras db kaw ang magset nun panu ba gawin un?kc may shop na din ako pero nag mamanual pa ako sinusulat ko lang kung anung oras sila ngstart .pls sana matulungan moko,…GODBLESS

      • http://www.certifiedfoodies.com/ blankPixels

        Yes, meron akong shop. Based sa experience ko ang mga sinusulat ko dito.

        Gamit ko CafeSuite, para di na manu-mano ang pag-time-in time out ng mga customers. Join ka sa forum ng ULOP, maraming tutorials dun.

    • http://www.certifiedfoodies.com/ blankPixels

      Salamat! Hehehe.