Pasensya na kung ilang buwan bago ako nakapag-post ulit dito sa blog na ‘to. Hindi dahil sa wala nang nakakalokang nangyayari sa computer shop namin. Naging sobrang abala lang ako ng mga nakaraang linggo. Basta, kwento ko na lang yan next time. Unahin ko muna ‘tong nakakainit ng dugong kwentong ito na nangyari ilang araw lang ang nakaraan.
Isa sa mga kinakainisan ko sa negosyong ito eh yung mga customers na alam mong nagpapabarya lang kaya andito. O kaya, yung di alam yung respeto na lang na "Barya lang po sa Umaga". Hindi kami bangko na pwede nyong puntahan pag kelangan nyo magpabarya para ipabaon sa anak nyo. Feeling ata nila eh pwede nila kaming puntahan lagi para palitan ng malalaking pera nila.

As much as gusto kong maging buo ang mga pera namin para di pahirapan magbayad ng mga bills namin, masakit sa ulo pag napapadalas na tipong limang pisong candy lang ang binili (take note, di kami sari-sari store), ibibigay samin eh Php 500 o kaya’y Php 1,000 na buo. Bwiset!
Gaya nung isang araw, hapon, merong pumunta ditong batang babae. Dati pa mainit ulo ko dun sa batang yun, mga nasa 14 or 15 ang edad nya siguro. Kasi naman, tama ba namang magtanong kung meron kaming PASA LOAD dati. Yung sa Smart, pwede mong padalhan ng load ang kaibigan mo tapos ma-charge ka ng piso. Binawasan nya pa load ko pag nagkataon. Haller?! Kesyo 5 piso lang daw kasi kelangan nya. Ano ba, magload ka na lang ng sampung piso, konti na lang diperensya, babawasan mo pa load ko. Bwiset.

Ayun na nga, unang punta nya, nagtanong kung may barya daw ako sa buong isang libo. Sabi ko wala kasi kakabayad ko lang ng bills. So, akala ko naintindihan na nya. Aba, bumalik ang bata after a few hours. Kunwari, magpapaload. PInasulat ko na yung number. Sabay inabot sakin yung Php 1,000 bill nya na pinapabaryahan nya nung una. Eto ang nakakainis. Alam mo magkano ipapaload nya?!? SAMPUNG PISONG Sun Text and Call Combo!
Nakoh, nag-init ulo ko. Tinanong ko sya kung okay lang sa kanya ang puro barya. Pumayag. So, ayun, nagstart na ko magbilang. Gusto ko talaga gantihan at bigyan sya ng mga mamiso at limang pisong coins. Kaso, naisip ko, leche, inaasar ako nito. Binawi ko, sabi ko di aabot ang barya. Sa kanya na lang ang sampung pisong load nya.
‘Kala mo naintindihan na. Hindi pa rin!!!!!!! Bumalik kinabukasan. Nagpaload ng Php 15 na Sun load. At ang pera nya, yun pa rin. Yung isang libong piso na bill. Nabwisit na ko talaga. Sabi ko, "Sabi na nga sayong wala kaming barya dyan eh. Kakabayad nga lang ng bills!". Di ko na talaga napigilan. Ang kulit eh. Kasing kulit nya nung ilang beses bumalik dito para magtanong kung me Pasa Load kami. Hayyyy!! Ayun, naintindihan na ata finally. Bumalik na me barya na Php 15. Eh di natuto ka rin. Nakakairita eh.
Sabihin nyo salbahe ako pero nakakairita talaga. Okay lang sana kung Php 100 ang ipapaload nya eh. Sampung piso at kinse pesos tapos ganun kalaki pera nya?! Nakakatakot pa kasi pag ganun, baka mamya, peke yung pera. Wala pa naman akong pang-check kung fake or hindi yung bills. Bibili pa lang ako.
Meron din kaming mga customers na ganyan na nag-rent talaga. Meron isang beses, 30 minutes lang, ang pera, Php 1,000 din. Halata mo ring nagpapabarya lang eh. Kakabukas pa lang namin nun ha. So, ginawa ko na lang, pinalitan ko ng sangkatutak na barya. Binigyan ko na lang sya ng plastic para dun. Bwiset sya eh. Pangalawang beses na nya yun. Nung una, me respeto pa na nagtanong kung me isusukli kami dun. Sabi ko kasi nun, wala. Ayun, nung sumunod, di na nagtanong. Leche. Pero natuto naman yun. After ko bigyan ng puro limang piso at mamisong barya, mga tigbebente, ayun, di na naulit. Lagi na sya me exact amount. Hahahaha. Kasi kasi.
Naiintindihan ko naman yung ibang nagpapabarya lang. Gawain ko rin naman yun kadalasan eh. Pero, sinisigurado ko namang medyo malaki yung nabili ko para di nakakahiyang pabaryahan yung pera ko noh. Saka as much as possible, nagpapabarya ako ng malalaking bills sa mga malalaking stores, hindi sa sari-sari store. Yung iba kasi, di nag-iisip. Hayyy…
Maglalagay na ko dito ng sign talaga.




