Internet Cafe po ‘to, hindi Day Care Center




 

We're not a Day Care Center! - iCafeBlog.com

Halu-halo ang customers namin dito sa internet cafe. Karamihan, mga bata na nasa edad na 10 to 16 years old. Pero meron din namang mga adults or may edad na customers paminsan-minsan.

Isa sa mga kinakainisan namin ay ‘yung mga customers na may kasamang mga bata or sanggol. Okay lang naman sana kaso nagiging day care center ang internet cafe namin kasi mas iniintindi pa nila ‘yung ginagawa nila sa computer kesa sa batang kasama nila.

 

Crying baby - iCafeBlog.com

 

Scenario 1:

Nung nasa Cebu kami, tandang-tanda ko yung isang customer naming babae na dala ang baby nya. I think, the baby was only a year old. Medyo bata pa ‘yung nanay. My guess, nasa 20s pa sya.

She was chatting with someone sa Yahoo! Messenger. Tapos, yung baby nya, medyo makulit. Bumababa sa pagkahawak nya. Ang nanay, hinahayaan lang. Eh marami kaya kaming customers nung time na yun.

Hinayaan lang ng nanay na gumapang yung bata dun sa lapag.  Marumi pa naman yung sahig kasi maalikabok sa labas kaya ang daming dumi na dinadala ng mga customers dito. Pero ang nanay, deadma. Chat lang nang chat.

Naawa naman kami ni Mai so binuhat ko yung baby pabalik sa nanay. Tapos, naulit pa. Si Mai naman ang nagbuhat pabalik. Nainis na kami nung naulit pa, hinayaan na lang namin. Grabeh. Napaka-iresponsableng nanay. Kung hindi pa umiyak yung bata, hindi sya tatayo sa pwesto nya para kunin yung baby at hawakan ng maayos. Hayyy…

 

 Noisy Kids - iCafeBlog.com

 

Scenario 2:

May customers kami dito sa bagong internet cafe namin na mga bata rin pero dinadala ang kapatid nilang mas bata sa kanila. Gaya kanina, ang ingayyyyyyyyyyyyyyyy ng nakakabatang kapatid. Nagtatatakbo sa loob ng shop tapos nag-iingay at nagkakanta ng kung anu-ano.

Tapos, hinampas ng ilang beses yung wall ng counter namin na gawa sa kahoy. Ang ingay! Then, ginulo ang mga upuan na nabakante na. Nakakairita. Sinabihan naming patahimikin nila ang kapatid nila.

Then, nung me inaabot si Mai dun sa isang customer namin, hinampas ba naman ang kamay nya nung bata. Inulit-ulit pa. Nakohhhh…. nakakairita talaga. As in ang gulo nung bata! Pati mga customers namin, nagreklamo na.  Tapos, binilhan pa ng kapatid ng X.O. na coffee candy. Eh di lalong nag-hyper yung bata. Josko!!!

Nakakairita kasi parang ano ba?!?! Kung maglalaro ka, wag ka magsama ng makulit na kapatid kung di mo naman babantayan. Ang nangyari kasi, yung kapatid nya, palakad-lakad and patakbo-takbo sa loob ng shop habang sya, naglalaro lang. Kami pa ang sumisita at nagsasabing bumalik sya sa ate nya. Di kami ang yaya nyo!

 

 

Farmville first before my kid - iCafeBlog.com

 

Scenario 3: Maawa ka naman sa baby mo. Tama na muna kaka-Farmville mo.

May isa kaming customer, grabeh sa kaadikan. 99% of the time, kasama nya ang baby nya. Wala pang 1 year old yung baby. Pero, buti naman, yung baby eh mabait ng konti. Tahimik and di naman malikot. Minsan lang or pag sobrang tagal na ng nanay nya. Parang nagpaparinig ba na "Nay, tama na naman!"

Nung isang beses nga, umiiyak na yung baby. Ang ginawa ng nanay, sinubo ang isang suso nya para padedehin and matahimik yung baby. Nag-work naman. Kaso, nung matapos na yung baby, siguro busog na, nagreact na and nag-ingay. Yung tunog eh parang nalulunod yung bata sa gatas. Josko, nakaaawa yung baby.

Ganun kadalasan ginagawa nya. Pag umiiyak yung baby, sasalpakan nya ng suso nya para tumahimik and dumede na lang. Kaso, minsan, di naman nagugutom yung bata. Uncomfortable lang kasi sa pwesto nya.

Isipin mo naman kasi, minsan, 2 hours na nakaharap sa PC yung nanay. Yung mata ng bata, apektado rin nun noh. Baby pa lang, lalabo na agad ang mata. Tapos, iiyak na yung bata pero deadma lang yung nanay. Nung ilang beses pa nga, nag-extend pa yung nanay kahit na umiiyak at nag-iingay na yng baby nya.

At kung akala nyo eh malufet na yun, me ginawa pa yung nanay na yun na mas matindi. Nung isang beses na ang lakas ng ulan, nagulat kami kasi dumating sya, may dalang payong, at kasama ang baby. Hayyy… alam mo yun? Gusto kong ireport sya sa Bantay Bata or something. I mean, c’mon! Common sense! Pag umuulan, hindi dapat nilalabas ang baby para mag-internet.

Okay lang sana kung trabaho ang ginagawa nya sa internet or meron syang kailangang gawin online na importante talaga. Kunsabagay, baka nga naman importante sa kanya yung hindi masira ang mga tinanim nya sa Farmville. Opo, puro laro at chat lang naman ang ginagawa nya. Hayyy…

 

 

Day Care center - iCafeBlog.com

 

Scenario 4: Ginawa talaga kaming Day Care Center

Eto, alam ko, kadalasan talagang nangyayari sa mga internet cafe. Yung ibang parents, they’ll give their kids money tapos iiwan nila dito sa internet cafe. Babalikan na lang daw nila after a few hours.

Sosyal talaga. Ginawa na nila talagang Day Care Center ang icafe namin. Haller?!

Dapat, pinapapirma namin sila ng waiver na wala kaming responsibility sa mga anak nila. Okay lang sana kung 12 years old or teenager na eh. Kaso, hindi. May iniiwan samin na bata na 5 to 8 years old. Kung di ka ba naman mainis, di ba?

SInasabihan namin yung iba na walang magbabantay sa kanila. Dati yun, sa Cebu. Dito naman sa Manila, okay lang eh kasi mga kapitbahay saka kakilala din lang naman ng mga regular customers namin yung mga bata. Pero, dun sa Cebu, commercial area yun. So, pag iniwan talaga nung parents, usually, walang ibang nakakakilala. Nagtitiwala agad ang parents samin kasi pareho kaming babae ni Mai.

Hay nakoh. That’s not responsible parenthood. I know, you do what you can. Pero, naman, wag nyong iwan yung bata sa internet cafe unless kilala nyo talaga yung may-ari or close kayo ng bantay. Ibang story na yun pag iniwan nyo ang kids nyo amongst strangers.

 

————=======================————

 

Okay lang naman sa amin na magdala sila ng bata dito pero sana naman, bantayan nila noh. Hindi namin sila responsibility.

It’s really important for parents to teach kids manners or how to behave when they’re around strangers or when they’re not at home. Para matuto yung bata na hindi maging magulo pag nasa ibang bahay. Dapat, bata pa lang, marunong na rumespeto yung anak nyo. Kami ng kapatid ko, we were taught early talaga na magtino pag nasa ibang lugar or ibang bahay. Nakakahiya kasi noh.

At naiintindihan rin naman namin kung kailangan mo dalhin ang baby or anak mo sa shop namin kasi walang maiiwan sa bahay to be with them. Pero, my gosh naman, be responsibe and mature.

Kung umuulan, it’s a no-brainer na hindi nyo dapat nilalabas ang baby nyo. Magtiis ka muna sa bahay. Kung dadalhin nyo, dapat, give them attention din hindi yung puro pagtatanim ang iniintindi nyo. Bwiset.

  • Paula

    Wow, ang ganda naman ng internet cafe blog mo. I'm sure marami akong matututunan dito. Sana maka-open din kami ng internet cafe namin.
    Salamat nga pala sa pagsali sa BC Bloggers. :)

  • Dennisdko

    sa net cafe 2 ang choices natin, either papasukin or bawal papasukin.
    dito nakalagay “MINORS NOT ALLOWED” kng di kasama guardian pinapalabas namin
    pag may pasaway na bata, barangay or gwardyan ang tinatawagan namin pinapalabas nila.

    sa umpisa pa lang pag may bata or baby ang nanay, paremind mo nlang bago buksan ang pc nila, na di mababantayan ang anak nila, responsibilidad nila at hindi ng net cafe, papirmahin siya nito.
    para kng matulak, maapakan or maaway at nasugat ng ibang bata, di makakasuhan ang net cafe

  • Emiliana

    Maikli lang ang attention span ng mga bata kaya mahirap para sa kanila na ma-”glued-down” sa isang activity for a long time especially kung hindi sila enjoy sa ginagawa. It's best not to admit in cafe customers with toddlers para hindi nakakagulo sa iba pang nasa loob ng cafe.

  • SimplY_johnloyd

    AYUS BLOG MO HAH…. ganyan na ganyan ngayon d2.. heheh