Hinding-hindi mawawala ang mga tambay or bystanders sa kahit anong klaseng negosyo. Sila yung mga taong tumitingin-tingin lang tapos nagtatagal pero ‘di naman bumibili. ‘Yung iba pa, kunwari, nag-window shopping pero ang totoo, wala lang. Nagpapalamig lang.
![]()
Sa internet cafe business, asahan mo, maraming tambay. May mga araw pa nga na mas marami pa yung tambay kesa sa mga customers mo eh.
Okay lang naman sana ang me tambay. Me mga customers kasi na kelangan ng “moral support” or “cheering squad” para matuwa sa laro. Nakakatuwa kasi napapatagal nila yung mga customers kasi puro ba naman puri ang nakuha eh. “Ang lakas mo ah!”, “Tang*na, ang galing mo!”, “Pa’nu mo nagawa yun?!“. Tapos, yung iba pa nga, nagpapalakpakan pa. Kung ‘di ka ba naman ganahan, ‘di ba?! *LoL* Ayos lang yun, dagdag kita rin samin! Hehehe.
Pero mas marami ang nakakairitang tambay sa internet cafe. Andyan ‘yung umuupo na parang customer sila. Tapos, ang bagaaaaaaaallll pa tumayo para paupuin ang customer. Pagalitan nga namin. Aba, para sa customers lang mga upuan namin dito.
Meron ding mga tambay na halata na nagpapalamig lang dito. As in ilang oras, nakatanga lang. Tambay lang. Tapos dun pa sa tapat ng aircon talaga tatapat. Masama pa nito, ‘di pa naliligo kadalasan. Hay josko!
May mga tambay din na napaka-insensitive. Pag puno ang internet cafe namin, tambay pa rin sila. Nakikisali sa mga waiting. Pinapagalitan namin at sinasabihan na lumabas muna sila dahil lalong umiinit sa loob. May iba na sumusunod agad. Tawag namin sa kanila, the 3 Musketeers. Laging magkasama eh. Sila yung matitinong tambay na minsan naman, naglalaro din dito. Pero, mga 5% of the time lang yun. Hehehe. Ayos lang. Madali namang pagsabihan eh.
Pero yung iba, nagmamatigas pa. Aasta pa na parang sinasabihan kami na, “I’m with him”, na kasama sila nung isang customer namin. Pinapalagpas na lang namin kasi baka kelangan ng moral support ng customer. Hehehe.
Nakakainis naman talaga minsan ang me tambay. ‘Yung tipong isa lang ang maglalaro pero sampu silang tambay. Nakita n’yo yung picture sa baba? Ganyan kasikip ang internet cafe namin. Just imagine kung puno ng tao yan tapos me sampung tambay na kasama ‘yung isa sa kanila. Waaahhh!
![]()
May mga tambay din na sobrang epal (read: pakialamero) na kulang na lang, sila na ang maglaro. ‘Yung coach nang coach. Bigay nang bigay ng tips or instructions sa customer, kulang na lang eh agawin nila yung keyboard at mouse, at sila na mismo ang maglaro. Sarap sapakin.
Meron kaming ganyang tambay dun sa Cebu. Nakakaawa ‘yung bata na customer. So, sinabihan namin ‘yung epal na tambay. Wawa naman kasi yung customer, di na nag-enjoy. Parang hayaan mo nga, di naman ikaw nagbabayad ng oras nila. Kung di man sila marunong maglakad or tumira ng kalaban sa Crossfire, shut the f*ck up.
Don’t get me wrong, tanggap na naming hindi mawawala ang mga tambay dito sa internet cafe namin. Alam naming kasama na ‘yun sa business. Nakakahatak din naman ng tao ‘yung mga tambay eh. Pero, pag sobrang kupal or epal, talagang papalabasin or papagalitan namin noh!
Nakoh, we expect na dadami pa silang tambay next month. Magpapalit kasi kami ng aircon, ‘yung mas malakas. Lalong dadami ang magpapalamig lang dito. Well, eto ang panlaban ko:
Mwahahahahahahahaha!



