Ngayong umpisa na ulit ng klase, lumalakas ang kita ng karamihan ng mga internet cafes / computer shops. Bakit kamo? Malamang, andyan yung mga assignments (takdang-aralin, naks!) na kailangan ng research at mga kung anu-anong kailangan nilang ipaprint.
May mga araw sa ibang computer shops na mas malakas pa nga ‘yung printing kesa dun sa rentals. Ang saya, noh? Sana, kami rin maging ganun.
Pero, teka, hindi yun ang topic ng post na ‘to. ‘Kala mo masaya ‘tong blog post na ‘to noh? Eto, may reklamo ulit ako.![]()
Nakakainis yung mga customers na kung kelan magta-time na, saka ka lang sasabihang may ipapaprint sila. Okay lang sana kung naka-save na eh. Pero hindeeeeeeee!
So, ikaw, nagmamadaling sabihan sila na i-save muna sa My Documents. Tapos, minsan, tatanungin ka pa kung anong filename. Leche! KAHIT ANO! Pag ‘di mo na-save yan bago mag-logout yang computer mo, bahala ka sa buhay mo. Okay, I didn’t ACTUALLY say that to a customer. It’s all in my head, okay?
Pero, nakakabwisit, ‘di ba? Kadalasan, ‘yung mga estudyanteng ganito eh yung mga nagpaalam kunwari na may ipapaprint sila or ireresearch. Karamihan kasi ng estudyante, ‘di pinapayagan magpunta sa internet cafe pag may pasok, unless me "assignment".
So, gagawin nila, pag-login, sabihan ka ng isang oras lang. Maglalaro muna or mag-Facebook sila, hanggang sa 10 minutes remaining na lang. Saka pa lang sila nun mag-research. Tapos, sasabihan ka pag 1 minute na lang na may ipapaprint sila. Bwiset!!
Wondering how I know this? Well, I sometimes get bored and watch our customers, especially ‘yung mga pasaway.
Meron nga kaming customer dati, kahit alam kong pwede kong i-No yung pag-end ng time nya sa cafe timer namin, ni-YES ko nga. Bwiset eh. Nakakailang beses na ganun. Ilang beses na rin naming pinagsabihan. Hala, tuloy pa rin. O, ayun. Kinailangan pa nya tuloy mag-rent ulit para lang maprint yung kelangan nya. Bwiset ka. Serves you right. Kami pa ang bibigyan mo ng hassle dahil sa kalokohan mo.
Nakakabwisit kasi bakit ba ‘di mo unahin yang research mo? Pag naprint na or natapos mo na yung ginagawa mo, SAKA KA MAGLARO hanggang sa mag-timeout ka. Buset!
May sinabihan na akong customer ng ganyan. I felt kasi na kelangan ko s’yang sermunan para unahin nya muna pag-aaral nya before ang laro (seriously!). Pero, syempre, me kasama na yung inis kasi tinaranta nya ako.
Hayyy… ewan ko ba sa mga batang ‘to. Bata pa kasi kami ng partner ko para mag-handle ng ganitong business kaya ‘yung iba, di pa masyadong nakikinig. Pero, ‘pag napuno na kasi ako, makikita mo talagang galit na galit ako. Kaya ‘yung iba, natatakot na rin sakin. Kahit si Mai, kita agad kung inis na. Good luck, ‘di ba?
Pero, syempre, kelangang magpasensya. Pero pag umaabuso ka na, bahala ka sa ipiprint mo! Lagot ka sa nanay mo!!



