Libreng Pa-Research? Ano ka, Hilo!?




Eto, mainit-init pa…

Research - iCafeBlog.com

Ngayong pasukan na naman, asahan mo na lalakas talaga ang printing ng mga computer shops / internet cafe. Lumalakas din ang rentals kasi maraming eskuwelahan ngayon ang nagrerequire na computerized ang mga reports na sinusumite ng mga estudyante sa kanila. At yung iba naman, yung mga pinapahanap nila sa mga estudyante ay makukuha lang sa internet.

Nagtataka nga rin ako eh. Mas malaki talaga ngayon ang gastos na magpaaral kasi, kahit sa public school, nagrerequire sila ng computerized or galing sa internet na mga research assignments. ‘Di naman lahat ng estudyante ay kayang makabayad ng computer rental or printing kaya dapat, sa library lang ‘yung mga pinapahanap nila or ‘yung pwede nilang i-research lang sa computers sa school.

Anyway, this post is not really all about what needs to improve in our education system. May reklamo lang kami na lagi na lang nangyayari dito.

Sabihin n’yo na mataray kami or salbahe pero naiinis kami sa mga customers na nag-expect na walang bayad kung kami ang mag-research ng kailangan nila. ‘Yung iba, parang naiinis pa na bukod pa ‘yung charge ng printing. Haller?! Kami ang gumagawa ng trabaho or research nyo. Hindi namin kayo kaanu-ano. Ano kami, tutor n’yo na taga-gawa ng research assignments nyo?!

‘Pag isang picture lang ang pinapahanap samin, Php 10 ang charge namin. Pag 2, Php 15. Pero pag tipong text sya, like story or alamat ng ganito, tapos Tagalog pa, Php 15 agad ang charge namin BAWAT topic. That way, mapipilitan silang mag-rent na lang and do their own research.

Bakit kamo ganun ang gusto naming mangyari?

  • Para matuto sila kung paano mag-research sa internet. Dapat, hangga’t maaga ay matutunan nila gumamit ng computer kasi karamihan ng trabaho ngayon, kelangan ng kaalaman sa paggamit ng computers.
  • Gusto namin na sila ang gumawa ng assignments nila and hindi umasa sa iba. Alam ko, ‘yung iba, gusto na kami na lang mag-research kasi ‘di sila marunong. Then, mas ipupush namin na sila ang magresearch dahil sa reason #1 namin. Don’t worry, tinuturuan naman namin sila kung anong gagawin eh so ‘di naman kami ganun kasalbahe. *LOL* Gusto lang namin na ‘wag umasa sa iba ang mga batang ‘to.
  • Hassle din sakin kasi nagtatrabaho din ako online. Oo, I admit, hassle sya. Marami akong ginagawa kasi I make money online. ‘Di ko pwedeng pabayaan ‘yung online "jobs" ko kasi, malinis ang kinikita ko dun. Walang taxes. Walang babayarang kuryente, etc. Nagagawa ko sya while I’m managing our internet cafe.
    Aside from that, marami rin akong inaasikaso na design projects ko at kung anu-ano pa. Busy ako, sobra. Kasama na dun ang pag-blog. So, kung ako ang pagresearch-in nila, there’s no way I’ll allow it na libre lang, noh!
  • Yung ibang customer, tamad at mautak lang. ‘Yung tipong binigyan ng magulang ng pera pang-rent at pangprint. Akala nila malilibre sila ‘pag kami nag-research. Or, maglalaro sila habang kami ang nagreresearch para sa kanila. Ano ka, hilo!?

Ikaw, how do you handle these situations?

Magkano ang singil mo pag nagpapa-research sa’yo ang customer mo?

Alam ko kasing maraming internet cafe din na part ng services nila ay research work.

Baka me suggestions ka, we’d like to hear them.

  • Badethzkie

    ako minsan hindi ko tinatanggap ..minsak kasi akala mo kung sino hahahaha… parang utusan ka nila… kaya sorry talaga for them better lipat na lang sa iba…. ahihihihi… pag ok naman ang aura at wala naman ako masyado ginagawa…ok go ako… pag mukhang galing sa public…naawa ako…kaya nagkakawang gawa na din ako hahahaha…

    • http://www.justanotherpixel.net blankPixels

      So far naman, wala kaming naexperience pa na mukhang 'di kayang magbayad. Karamihan kasi, mga customers na namin dito kaya we know na kaya nilang magbayad ng pang-rent and pang-research. Tamad lang talaga.

      Pero, oo nga, nakakainis yung kung kala mo eh utusan tayo. Sarap tadyakan. LOL

  • Saji022000

    mga bata ngayon teh, tamaders!

    • http://www.justanotherpixel.net blankPixels

      Hay nakoh, sinabi mo pa!

  • cheeca

    gud day.. matagal na po kong naghahanap ng site ng makakapagbigay ng prices ng printing and anything to do with computer shop business… actually hindi naman computer shop ang hawak ko.. its just our pc then pinaparent ko sa mga nagreresearch o nagcchat o kahit nagffacebook lang to arn extra money. tapos naun pina CISS ko na un printer namin. i also do scanning and photocopying and fax kasi all-in-one un printer namin..saka nagbburn din pla ko ng cd's.. charge ko po sa pagpaparesearch is 10 pesos lang.. tutal (at ang pangit naman kung hindi) kasama naman ang print dun malamang.. pero un mga nireresearch ko isa mga simple lang naman. actually hindi naman umaabot ng 30 minutes so i charge it na rin katulad ng pagrerent ng half hour dito sa pc.. ginamit ko po un printing price nyo dito sa blog and im very much thankful kasi nagpprint na ko ng ibat ibang size ng pictures.. alam ko din kasi na madaming gustong mag print ng pics.. saka tatlo lang un computer shop dito samin pero 2 lang ata mai printer.. kaya kumikita naman ako kahit papano. Sana mas marami pa po kaung ipost na topics dito.. by the way.. pwede po ba malaman un site na sinasabi nu tungkol dun sa online job ? gusto ko rin po kasing ma try eh. Salamat po

    • http://www.justanotherpixel.net blankPixels

      You can visit my blog – http://www.pinayonlinemoneymaker.net – where I write tips and guides on how to start making money online.

      Maganda rin yung idea nyo ha. Resourceful. Yung samin, pag nagpaparesearch, charge din namin ng gaano katagal magrent. Pero, pag maraming pictures, for example, tinataasan namin. Saka ayoko rin kasi mamihasa sila na ibang tao ang gumagawa. Dapat, matuto rin silang mag-research. Since isa lang PC mo, tama lang yung ginagawa mo.

      Wait ka lang, marami pa kami topics. hehehe. buti naman at nakakatulong kami. :)

  • http://opalizer.blogspot.com Lisa

    Si bf talaga ayaw magresearch, i-turned down tlaga niya at ituturo sa akin sabay tanong kung gusto ko. Pero nung nagkaka-experience na ako, sorry nagtu-turned down na rin ako. Pag sinasabi kasi nila ate pa-print… Tanong naman si ako kung anong file ang ipa-print? Sabi pa namang, wala pa ate, ikaw na magresearch.. medyo naloka ako dun… huh, nagrent ng almost 30 minutes tapos walang nagawa? Kaya, ayoko na rin magresearch.. hihi….

    ito din, magpaprint daw pero ako pala ang magresearch pero nung magpaprint na at nagcharge ako for printing and research fee ko, sabi pa naman ang mahal!! Sabay turo sa price na 4.00 lang. Biglang umusok yung ilong ko… (^_^) sabi ko ineng printing lang yan, yung papel na lalabas sa printer at meron nang nakasulat pero yung research hindi kasama. Saan ka ba nakakita ng printing at research na 4pesoses lang ang pay.

    • http://www.justanotherpixel.net blankPixels

      Meron din kaming ganyan. Punta dito sabay magpapaprint daw. Ang akala eh yung prices namin, kasama na research. Pauso amp. PRINTING PRICES nga eh.

      Sinasabi ko agad na me bayad pag magpaparesearch sila. Mahirap na kasi baka wala pala pambayad hehehe. Meron kaming customer, natuto na mag-research dahil sa pag-ayaw ko. Tinuruan ko na lang kasi sya last time. Mga tamad din kc yung iba or ayaw matuto. Hehehe.

    • Raquelwalter11

      hay naku ate ganyan din ang na experience ko samin.. pag katapos ma research at iprint sisibangutan ka pa kc mahal daw.. anu ba un??? minsan meron pang mag papa research na sobrang hirap naman ng assignment tapos sabay mag rerent sila para lang mag fb..sarap buhay ng mga estudyante ngaun…

      • http://www.justanotherpixel.net blankPixels

        Meron akong customer na ganyan. Nung sumunod na balik nya, doble na singil ko. Pasaway eh. Hehehe

  • angel

    hay!naku tama kau guyz….nakakakonsime dn meron dn kami shop nagpaparesearch gusto libre gnyan dn suggestion ko sa knila na sila nlng mag research..my free teaching nmn dhil gnun ako mag treat ng customer pero ayw nmn nila nakakbadtrip lng pag prinint gusto mura w/colored n nga and take note gusto 5pesos kalahati ng bondpaper?helo?abah!mas gusto ko pa ipasara!..kaya pag inaatake ako ng katarayan! nagtataray n tlga ako!…cnsabe ko nlng sa customer n wlang awa!abah!miss mabuti sana kung natatawaran ko ang ink,kuryente,at net pwede!..ka tumawad…para kc charity ang hinahanap mo!!!!..naging student dn ako before pero naiintindhan ko un mga kalagayn ng ng nenegosyo ng comp.shop kaya nagbabyad ako ng sapat!.. tsk..tskl…tsk…puputi ng maga ang buhok ko!

  • angel

    meron pa guyz!meron b nmng customer na pumunta dito sa shop ko upload daw pix..sa fb nya sabi ko rent ka nlng kc my free uploading ayw nya d reason is d marunong sabi ko free teaching nmn ayw p dn sabi ilan ba i uupload mo? sabi nya hundred pluas sabi ko my bayad un piso isang pix…alam nyu kung anu sabi?akala ko free lng?abah!inatake ako ng katarayan!..sabi ko alam mo b ang snasbe mo?pupunta ka s ashop ko ipapauload mo pix mo sa fb na ako ang gagawa at hinde ka mag rerent?den u telling its free?.hahah wlang libre ngaun!eestorbohin mo ko tas ur using my net and elecricity sasabihn mo free?..kaya nga sabi ko kaw n mg rent tas mag rereklamo?..sabi ko sa iba k nlng pag my nkita kang gnyan na shop ibibibgay ko sahop ko sau!pag talikod nga!inuteeeeeeeeeel!…ang sarap pugutan!….grrrrrrrrrrr!..

  • Jademap

    ay naku, mga kapatid. may iba pa nga dyan ang gusto sa srever ba kukunin ang attachment sa email tapos papaprint tapos d naman willing magbayad ng extrang time or service mo sa pag eeffort ng pagbukas ng email attachment using your server ha. BARAT!!!! Ang expected pala ay printing lang ang babayaran, colored pa!!! Kaka stress talaga to the max!!! 

    • http://www.justanotherpixel.net blankPixels

      Ako, actually, ngayon, hinahayaan ko na yung papakuha sa email yung attachment sa server. Pero yung tipong hahanapin pa or matagalan, pinaparent ko talaga. Mahal din naman kc yung printing ko dito hehehe.

      Dati, di ko pinapayagan kaso sayang din ang printing so pag tipong mabilisan lang naman, gorabels! ^_^

  • Bien

    I don’t do research. Rent ka na lang, turo ko pa sa yo URL ng Google at paano yun gamitin, at paano ilipat sa Open Office Writer.

    retrieving files for print sa email mo, kaya ko pa libre, basta pa print mo lang ( at 5 pesos pag text with less than 1/4 page pic, 20 pesos for a full color page). sending an email, on the other hand, will cost you 10 pesos minimum.

    i don’t do mp3 downloads. pero kung gawin mo yan sa nirentahan mong pc, ala akong magagawa. sobra dami na direct download sites ngayon, di pa alam ng K9.

    pag madami pina print ng estudyante at medyo kinapos sa pang bayad, libre ko na kulang, basta wag lang tipong nakakaloko na. depende din yun sa mood ko, so better be freakin’ nice at magalang makiusap. mga illegal kong kalaban dito sa lugar namin, walang printing, ako lang meron (keep that in mind).

  • KEANPAULO50

    SUPLADO KA NA ….. DAHIL MARAMI KA NANG OTHER SOURCE…. DEPENDE NAMAN PO…. KUNG NAKIKITA MO NAMAN NA MEDYO SALAT SA KUWARTA… WHY NOT EXTEND EXTRA SERVICE TO THEM… I THINK IT DEPENDS SIGURO SA CUSTOMER..IDEA KO LANG PO YAN..

    • http://www.certifiedfoodies.com/ blankPixels

      Pakibasa and pakiintindi ang post ko.

      Di ako nagtayo ng computer shop para mag-charity. Kung discount, pwede. Pero libre? Lalo na alam kong binigyan sila ng pera ng magulang nila? No way.

      Di ko hahayaang maging dependent mga tao dito sakin. Ganun patakbo ko dito. Kung gusto nila magresearch, matuto sila. Tinuturuan ko sila, PAKIBASA ULIT YUNG PART NA YUN. kaya nga sila pinagresearch eh para matuto sila gumamit ng computer tapos aasa nila sa’kin?

  • Grace

    anong extra income ang pwede kong pasukin habang nag-aantay ako ng magpapaprint skin?

  • devilprincesx

    grabe mas inuuna n tlga ng mga bata ngaun na mglro kesa mag aral

    nung 1st yearhigh school  ako i spend 8 hours in the comp. shop just to finish my project..

    grabe na tlga ang mga children of today

  • Crystalstaana

    hi there i have the same business like yours and same problems like your dealing with…everything here in your blog is really helping me a lot… 
    Gusto ko din sana magkaroon ng online job could you refer any online jobs for me? …Thank you so much and GODBLESS!